Kapag pumatak na ang ulan ng Mayo sa isang
matinding tag-init, umuusbong ang ALIMUOM. Kahit nakapagbibigay ito ng sakit sa
kung sino mang makakaamoy nito, tao man o hayop, ito ay nagbibigay hudyat sa
atin na tapos na ang tag-araw at simula na ng malamig na tag-ulan...bagong
panahon, bagong pag-asa, bagong pagibig...
Ang Alimuom ng Kahapon
ay isang pelikulang tungkol sa relasyong nabubuo mula sa pagkakaroon ng
magkaibang ideolohiya at paniniwala. Ang
mga pangyayari ay naganap sa Maynila kung kalian ang bansa ay binubugbog ng Pork
barrel scam. At tulad ng Alimuom, may mga sekretong maaaring umalingasaw.
Ang Alimuom ng Kahapon ay pinagbibidahan ng Star Circle Quest 2004
alumnus, DM Sevilla sa natatanging pagganap niya bilang si Nathan, isang
lifestyle photographer na napilitang mag-cover ng isang demostrasyon para sa
pahayagang pinagtatrabahuan. Sa rally nya nakita si Emman, isang estudyanting aktibista
na nakikibaka laban sa pagtaas ng matrikula. Si Emman ay ginampanan ng 2006 Golden Screen Awards Breakthrough Performance by an Actor, Angelo Ilagan. Nabuo ang interes ni Nathan kay
Emman at sinimulang sundan niya ang aktibista sa iba pang mga rally para
makunan ng litrato. Nagkakilala ang dalawa ng kanilang iniwasan ang isang
kaguluhang naganap. Nabuo ang isang espesyal na relasyon, subalit hindi naging
maayos, laging puno ng kontradiksyon, at hindi pagkasunduan dahil sa kanilang
magkaibang sitwasyon at paniniwala.
Tinatampok din sa pelikula sina Manuel Chua, Sebastian Castro,
Marq Dollentes, Rex Lantano, Ford Fernandez, Alizon Andres at Godofredo Dela
Cruz, na may espesyal na pagganap kina Jong Cuenco, Siege Ledesma at Angelina Kanapi. Ang screenplay ay sa panulat nina Rosswil Hilario, Rolando
Inocencio, at Julius Lumiqued, sa direksyon ni Rosswil H. Hilario, sa ilalim ng
Mountain Trail Productions sa pakikipagtulungan ng Jimgital Productions.
https://www.facebook.com/alimuomngkahaponOfficial
https://www.facebook.com/alimuomngkahaponOfficial
No comments:
Post a Comment